Humingi ng paumanhin ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa mga naabalang pasahero dahil sa magkasunod na aberya sa operasyon ng LRT Line 1 at 2 nitong Biyernes.

Binanggit ng LRTA, nagkaroon ng aberya ang LRT-2 dahil sa power supply nitong Biyernes ng madaling araw.

Kaagad namang naayos ang problema kaya't ibinalik sa normal ang operasyon nito dakong 7:12 ng umaga.

Binanggit naman ng LRMC na dakong 12:40 ng hapon nang biglang tumigil ang operasyon ng LRT-1 matapos magka-aberya ang isang tren nito sa Monumento Station.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC