
(DSWD/FB)
DSWD, namahagi ng relief goods sa fire victims sa Cebu
Namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng dalawang insidente ng sunog sa Cebu City kamakailan.
Nagtungo ang mga tauhan ng DSWD Region 7-Quick Response Team (QRT) at Disaster Response Management Division (DRMD) sa Barangay Carreta at Basak Pardo kung saan sila nagbigay ng family food packs sa mga biktima ng sunog.
Umabot sa 120 pamilya ang apektado ng sunog sa Brgy. Basak Pardo habang nasa 90 pamilya naman ang naapektuhan ng insidente sa Brgy. Carreta.
Ang mga nasunugan ay pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa kanila-kanilang lugar, anang ahensya.
Nangako rin ang ahensya na tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng tulong sa mga naturang pamilya hangga't hindi pa sila nakakabangon mula sa insidente.