Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa ilalatag na mahigpit na seguridad sa para sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ito ang tiniyak ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. at sinabing mahigit 15,000 pulis ang ikakalat uoang matiyak na ligtas ang lahat ng debotong sasama sa prusisyon.
Magsisimula ang Traslacion sa Quirino Grandstand sa Rizal Park hanggang sa Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Chruch).
Eleksyon
Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'
Paliwanag ni Acorda, pinaghandaan nila ito nang husto kaya't walang dapat ipangamba ang mga makikilahok sa nasabing pagdiriwang.
Ito ang unang pagkakataong isasagawa muli ang Traslacion mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.
Idinagdag pa ni Acorda, posible pa ring may masasaktan at makararanas ng minor physical illness kaya’t maglalagay din sila ng mga medical station sa bawat lugar na dadaanan ng prusisyon.