Nasa 49,428,465 pasahero ang naserbisyuhan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) noong 2023.

Ipinaliwanag ng LRT Authority, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.

Mas mataas ang naturang bilang kumpara sa naitalang 31 milyong mananakay noong 2022.

Mahigit sa 11 milyon ang naging pasahero ng naturang tren noong 2021 at mahigit naman 12 milyon noong 2020 kung saan nagpatupad ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) restrictions.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Inaasahan ng pamunuan ng LRTA na tataas pa ang average daily ridership ng LRT-2 ngayong 2024 dahil bumalik na sa full face-to-face ang karamihan sa mga eskwelahan at trabaho sa opisina.