Limang pasahero ang nasugatan at isinugod sa ospital matapos sumalpok sa railing ng MRT-3 (Metro Rail Transit Line 3) ang sinasakyang bus na umiwas sa biglang pagpasok ng police car sa EDSA bus lane nitong Miyerkules ng hapon.

Sa Facebook post ng Department of Transportation (DOTr), nagrereklamo ang limang pasahero dahil sa mga galos, bukol at matinding pagkahilo kaya't itinakbo sila sa pinakamalapit na pagamutan.

Hindi binanggit sa report kung nasugatan sa aksidente ang mga sakay ng police car.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nahagip ng closed-circuit television (CCTV) ang nabanggit na vehicular accident kung saan kitang-kita ang pagpasok ng mobile car sa naturang bus lane.

Dahil dito, nanawagan ang DOTr, sa mga authorized vehicle na papasok sa EDSA busway, na maging maingat dahil prayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga pasahero ng bus sa lahat ng oras.