Ibinasura na ng korte ang kasong estafa laban sa dalawang kapatid ng isang filmmaker at sa isa pa nilang kasama kaugnay ng umano'y alegasyong panghihingi ng pera sa isang contractor, kapalit ng pangakong kontrata upang maging supplier sa reclamation project sa Pasay City.
Maki-Balita: Pangalan ng isang senador, ginagamit: 4 manloloko ng contractor, timbog sa Pasay
Sa walong pahinang kautusan ni Pasay City Regional Trial Court Branch 115 Judge Edilwasif Baddiri nitong Disyembre 11, walang sapat na ebidensya ang prosecution panel upang idiin sa kaso ang magkapatid na sina Dina Joson Castro at Ma. Luisa Barlan, at Helen Remolador.
Sina Castro at Barlan ay kapatid ng filmmaker na si Emille Joson.
Dahil na rin sa pagkakabasura ng kaso, inatasan na rin ni Baddiri ang National Bureau of Investigation (NBI) na palayain na ang tatlo sa kanilang kustodiya.
Sina Castro, Barlan at Remolador ay kasama nina Ryan Lester Dino at Carlo Africa Maderazo sa inaresto ng NBI sa Diosdado Macapagal Blvd., Pasay City nitong Nobyembre 20 dahil umano sa pagsasabwatan ng mga ito sa paghingi ng pera sa complainant na si Rodolfo Rimando Ambag, Jr..
Maki-Balita: Pangalan ng isang senador, ginagamit: 4 manloloko ng contractor, timbog sa Pasay
Iniutos naman ng hukuman na ituloy ang paglilitis laban Dino at Maderazo matapos makitaan ng probable cause ang kanilang kaso.
Kaagad namang naglabas ng pahayag ang kampo ni Joson hinggil sa pagkakabasura ng kaso.
"I'm very happy with the court's decision of course and I think we should respect it. The truth will always prevail. To Senator Gatchalian I know he means well but next time do a proper investigation. People voted him for a reason, so do something more humane and always get their fact straight," paliwanag ng filmmaker.
"This order just shows that my client Dina Joson, Ma. Luisa Barlan and Helen Remolador has no participation on the alleged scam. The order even after requiring the prosecution through the NBI and the complainants found lack of probable cause to hold my clients for trial. That is why it ordered its dismissal in so far as Joson, Barlan and Remolador is concerned. Justice is in the air," pahayag naman ng abogado nina Joson, Barlan at Remolador na si Atty. Vladimir Bugaring.