Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na kanselado muna ang implementasyon ng number coding scheme sa Lunes, Disyembre 25 (Araw ng Pasko).

Idinahilan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bahagi lamang ito ng hakbang ng gobyerno upang maging maayos ang biyahe ng publiko ngayong holiday season.

Bukod dito, suspendido rin ang number coding scheme sa Martes (Disyembre 26), at Bagong Taon (Enero 1).

Ibabalik ang pagpapatupad ng Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) sa Disyembre 27-29, 2023.

Ipinatutupad ang number coding mula Lunes hanggang Biyernes, maliban na lamang kung holiday, simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.