Naiuwi na sa bansa ang abo ng Pinoy caregiver na nasawi sa paglusob ng militanteng grupong Hamas sa Israel nitong Oktubre.
Naging emosyonal ang tagpo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 nitong Sabado ng hapon nang tanggapin ni Tessie Santiago, ang abo ng kanyang anak na si Paul Vincent Santiago na nasa urna.
National
Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Dala-dala ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jovelle Santiago ang nasabing urna ng asawa mula sa Israel.
Kasama rin ni Jovelle na umuwi ng Pilipinas ang isang buwang gulang na anak na si Jhayzen.
Si Paul Castelvi ay kabilang sa apat na OFW na napatay matapos lusubin ng Hamas group ang Israel nitong Oktubre 7.