Isinusulong ng isang kumpanyang nakabase sa France na magkaroon ng cable car system sa Metro Manila bilang tugon sa matinding trapiko.

Sa Facebook post ng Quezon City government nitong Biyernes, inilatag ng kumpanyang POMA group ang kanilang panukala kay QC Mayor Joy Belmonte na ang konsepto ay batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) kamakailan.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Nasa 30-40,000 pasahero ang makikinabang sa itatayong cable car upang makaiwas sa matinding trapiko sa National Capital Region (NCR).

Umabot ng dalawang taon ang pag-aaral kung saan nakitang posible ang cable car corridor na tatahak sa Marikina river na nasa teritoryo ng Marikina, Quezon City at Pasig City.

Ikokonekta rin nito ang LRT-2 station sa Santolan, Libis at Eastwood sa MRT 4.

Kaugnay nito, inimbitahan ng opisyal ng POMA group na si Benjamin Fauchier-Delavigne, ang alkalde na pasyalan ang upang magkaroon ito ng ideya sa proyekto.

Bukod kina Belmonte at Delavigne, kasama rin sa pagpupulong sina Philippine Ambassador to France Junever Mahilum-West, Vice Consul Jackielou-Mary Gan, at Commercial Counselor Katrina Banzon.

Kamakailan, sinabi ng France na pumapayag silang magbigay ng financial support sa Pilipinas sa pamamagitan ng "highly concessional loan" para sa planong urban cable car system.