CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Labing-isang miyembro ng terrorist group na Dawlah Islamiya (DI) ang napatay ng tropa ng pamahalaan sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Biyernes ng hapon.
“The firefight, which began at 1 p.m. lasted more than three hours,” pahayag ni Philippine Army (PA) Maj. Saber Balogan, 601st Infantry Brigade (601IBde) civil-military operations chief, nitong Sabado.
Probinsya
Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?
Aniya, nagpapatrolya ang mga tauhan ng 40th Infantry Battalion (IB) sa Barangay Tuwayan Mother nitong Disyembre 1 nang makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng DI-Hassan Group.
“Artillery fires from the 40th IB and other units under the 601IBde backed the ground troops,” aniya.
Ang mga nasawi ay dinala na sa Datu Hoffer Ampatuan local government unit, ayon kay Balogan.
“There was no casualty on the government side,” paglilinaw pa ni Balogan.
Ang naturang grupo aniya ay nasa likod ng sunud-sunod na pambobomba sa mga pampasaherong bus sa Maguindanao Sur at Sultan Kudarat sa nakaraang tatlong taon.
Narekober sa pinangyarihan ng enguwentro ang limang M16 Armalite rifles, dalawang M14 assault rifles, rocket-propelled grenades, at limang improvised explosive devices (IEDs).