Sinuspindi ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw ang lisensya ng driver ng sports utility vehicle (SUV) na sangkot sa viral road rage incident sa Taguig City kamakailan.

Ipinaliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II, sinuspindi na rin nila ang registration ng puting Ford Explorer habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Naglabas na rin ng show cause order (SCO) ang LTO laban sa driver ng SUV at pinagpapaliwanag kung bakit hindi siya dapat na patawan ng parusa kaugnay ng usapin.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Sa isang footage na kumalat sa social media, makikitang itinigil ng driver ang SUV sa gitna ng C-5 Road at bumaba.

Kinompronta ng SUV driver ang truck driver na sinisigawan nito habang pilit na hinihingi ang lisensya.

Sinabi pa ni Mendoza, inatasan din niya ang driver ng SUV na magtungo sa LTO-National Capital Region (NCR) office sa Lunes, Disyembre 4.