Nasa kalaboso na ang isang dating opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa umano'y pagpapaputok ng baril sa isang bar sa lungsod nitong Linggo ng madaling araw.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ni dating Police Lt. Col. Mark Julio Abong, ayon sa pulisya.

Sa police report, nagtungo si Abong sa isang bar sa Barangay Laging Handa kung saan nagpaputok ng baril.

Kaugnay nito, hiniling ni Mayor Joy Belmonte kay QCPD chief Brig. Gen. Redrico Maranan na magsagawa ng malaliman, patas at mabilis na imbestigasyon sa insidente.

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

Nais din ng alkalde na makuha ang pahayag ng QCPD at PNP upang mabigyan ng linaw ang estado ni Abong dahil dati nang iniutos ng People's Law Enforcement Board (PLEB) na sibakin ito sa serbisyo.

Matatandaang isinagawa ang pagsibak kay Abong matapos mapatunayang nagkasala sa pagkakasangkot sa hit-and-run case na ikinasawi ng isang tricycle driver sa Barangay Quirino 2-A, Quezon City noong Agosto 6.