Bumisita si House Speaker Martin Romualdez kasama ang Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Representative na si Erwin Tulfo sa Farmers Plaza, Quezon City nitong Lunes, Nobyembre 27.
Umapela si Romualdez sa mga retailer na sundin umano ang suggested retail price o SRP ng mga produkto sa darating na Pasko.
"Unang-una, dapat abot-kaya ang bigas at iba pang noche buena items. Dapat ang gulay tulad ng sibuyas, bawang, kamatis, repolyo at iba pa ay maaabot ng ating mga kababayan. We appeal to retailers to follow the SRP (suggested retail price)," pahayag ni Romualdez.
Ang SRP ay nagsisilbing gabay ng mga mamimili upang matiyak na tapat ang presyo ng mga produkto.
"Our primary task here is to protect people's welfare by providing them with the most affordable goods in the market," aniya.
Dagdag pa ni Romualdez: “It is a reaffirmation of our commitment to ensuring fair pricing and protecting consumers' interests by fighting hoarding and exorbitant prices."
Hinikayat niya rin ang mga supplier na doblehin ang pagde-deliver ng mga kakailanganing produkto sa “retailers”, “small traders”, at “market stallholders” hanggang matapos ang holiday season.