Kabilang ang isang 33-anyos na Pinoy caregiver na dinukot sa Israel nitong nakaraang buwan sa 24 na pinalaya ng Hamas nitong Biyernes.

Ito ang kinumpirma ni President Ferdinand Marcos, Jr. nitong Sabado at sinabing ang naturang Pinoy ay nakilalang si Gelienor "Jimmy" Pacheco.

“I am overjoyed to confirm that a Filipino, Mr. Gelienor 'Jimmy' Pacheco, was among the first group of 24 hostages released by the Hamas yesterday,” bahagi ng post ni Marcos sa kanyang X account (dating Twitter).

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Aniya, nasa kustodiya na ng Philippine Embassy sa Israel ang nasabing Pinoy.

Matatandaang dinukot si Pacheco, 33, kasama ang inaalagaang si Amitai Ben Zvi, 80, nang lusubin ng hamas ang Kibbutz Nir Oz sa Israel nitong Oktubre 7.

Pinasalamatan din ni Marcos ang Philippine Foreign Services at ang State of Qatar dahil sila ang naging daan upang mapalaya si Pacheco.

Isa pang Pinoy-si Noralyn Babadilla na sinasabing kabilang din sa mga dinukot ng Hamas ang hindi pa napalalaya.

Ani Marcos, gagawin ng gobyerno ang lahat ng paraan upang mapalaya si Babadilla.

“We remain concerned over the whereabouts of our other national, Ms. Noralyn Babadilla, and are sparing no effort to locate and secure her if she is indeed found to be one of the hostages. We pray for the continued success of the truce and for all hostages to be released,” pahayag pa ni Marcos.