Pansamantalang isinara ang isang gasolinahan sa Barangay Vasra, Quezon City matapos magreklamo ang mga residente dahil sa masangsang na amoy ng gasolina nitong Lunes ng hapon.
Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad na nagresponde ang mga tauhan ngĀ Bureau of Fire Protection (BFP), Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO), Department of Public Order Safety (DPOS), at Land Transportation Office (LTO) sa nasabing gasolinahan sa Visayas Avenue at kaagad naĀ ipinatigil ang operasyon nito habang iniimbestigahan pa ang insidente.
Metro
QC govāt, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, govāt work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC
Sa pahayag ng pamunuan ng gasolinahan, nagreklamo sa kanila ang mga residente dahil sa umano'y amoy ng gasolina na nagmumula sa kanilang lugar.
Kaagad na inirekomenda ng BFP na tanggalin ang laman ng underground fuel tank upang maisagawa ang leak test.
Ang insidente ay nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar.