Hindi magdedeklara ng suspensyon ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa kabila ng tigil-pasada sa Lunes, Nobyembre 20. Sa social media post ng Quezon City government nitong Linggo, binanggit na ang mga estudyanteng mahihirapang makapasok dahil sa transport strike ay ituturing na excused sa face-to-face classes.
Gayunman, binanggit na sasabak pa rin ang mga ito sa asynchronous classes.
Metro
QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC
Nag-aalok din ng libreng sakay ang Quezon City Police District sa mga apektado ng isasagawang tigil-pasada hanggang Nobyembre 22.
Ang nasabing tigil-pasada ay pangungunahan ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston).
Idinahilan ng transport group ang December 31 deadline ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa paghaharap ng franchise consolidation applications kaugnay ng isinusulong na public utility vehicle modernization project ng pamahalaan.