Sisimulan nang ipamahagi ng Quezon City-Social Services Development Department (SSDD) ang Social Welfare Assistance (SWA) para sa mga kwalipikadong senior citizen at solo parent sa lungsod sa Sabado, Nobyembre 18, 2023.

Sa social media post ng QC government nitong Biyernes, magsisimula ang distribusyon ng SWA dakong 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Quezon Memorial Circle basketball court.

"Ang Social Welfare Assistance program ng Quezon City government ay naglalayong mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga indigent o pinaka-angangailangang senior citizen, persons with disability, at solo parent sa loob ng 12 buwan," ayon sa pahayag ng pamahalaang lungsod.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Isasagawa ang pamimigay ng tulong alinsunod na rin sa City Ordinance 3115-2022, dagdag pa ng city government.