Umapela si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga magulang at guardians na tumulong sa lokal na pamahalaan upang isulong ang kanilang ‘Wag Maging BIBA’ program.
Ang ‘Batang Ina, Batang Ama’ o BIBA program ay inilunsad ng Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Arnold 'Poks' Pangan, sa layuning magbigay ng mga lectures sa reproductive health para sa mga menor-de-edad.
Sa kanyang ulat sa alkalde, sinabi ni Pangan na ang bilang ng mga teenage, unwanted pregnancies at ang pangangailangan na ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng tamang kaalaman, at isa tulong din ng follow-up ng mga magulang at guardians sa kanilang tahanan.
Kaugnay pa nito, ay hinihimok ni Lacuna ang mga may ginintuang puso na tulungan ang lokal na pamahalaan sa proyekto nitong "Walang Batang Bungi Pagdating ng 2030."
Ang proyekto ay may kaugnayan sa paglalagay ng braces sa mga mahihirap na mga bata na may iba't-ibang klase ng problema sa ngipin pero walang kakayahan na magbayad ng dentista at magpalagay ng braces.
Sinabi pa ng alkalde, na ang MHD ay nagbibigay din ng salamin sa mga batang nangangailangan nito.
Samantala, ang city government ay nakapagpamahagi na ng Educational Cash Assistance sa may 1,880 indigent students at Capital Assistance sa mahigit 2,000 parents ng indigent children.
Sa tulong ng Division of City Schools Manila, ang lungsod ay nakapagbigay ng free uniforms, bags at school supplies sa kabuuang 165,775 na mga estudyante.
Maging ang Manila City Library (MCL) ay patuloy sa pagbibigay ng libreng paggamit ng computers at wifi sa city's public libraries.
Ang MCL ay nakapagpasagawa na rin ng Digital Literacy Program, Library Orientation, Tutorial Services, Art Sessions, Educational Film Showing, Puppet Show, Recreational Games, Story telling at Mobile Library.