Mawawalan ng suplay ng tubig ang mga customer ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) sa ilang lugar sa Quezon City simula Nobyembre 14.

Idinahilan ng nasabing water concessionaire ang nakatakdang network maintenance activities sa mga naturang lugar.

Kabilang sa maaapektuhan ng water service interruptions ang mga sumusunod na lugar: 

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

* Bagbag, Greater Fairview, Gulod, Nagkaisang-Nayon, San Bartolome, Sauyo, Sta. Lucia, Sta.         Monica, Talipapa

  (9:00 pm, Nov. 14 - 7:00 am, Nov. 15, 2023)

* Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Payatas

  (10:00 pm, Nov. 15 - 4:00 am, Nov. 16, 2023)

* Pag-ibig sa Nayon, San Jose

  (7:00 pm, Nov. 14 - 8:00 am, Nov. 15, 2023)

* Lourdes, Mariblo

  (10:00 pm, Nov. 14 - 6:00 am, Nov. 15, 2023)

* Talipapa

  (10:00 pm, Nov. 15 - 6:00 am, Nov. 16, 2023)

* Talipapa

  (10:00 pm, Nov. 16 - 6:00 am, Nov. 17, 2023)

* Nova Proper, Nagkaisang Nayon

  (10:00 pm, Nov. 17 - 6:00 am, Nov. 18, 2023)

* Gulod

  (10:00 pm, Nov. 18 - 6:00 am, Nov. 19, 2023)

* Tatalon

  (10:00 pm, Nov. 19 - 6:00 am, Nov. 20, 2023)

Inabisuhan ng Maynilad ang mga customer nito sa West Zone ng Metro Manila na mag-imbak muna ng tubig bago pa sumapit ang scheduled water service interruptions.