Nag-rally sa harap ng gusali ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Quezon City ang mga ide-demolish na residente ng Sitio San Roque sa lungsod upang kondenahin ang isinagawang pre-demolition conference (PDC) sa pagitan ng ahensya, National Housing Authority (NHA) at Local Housing Board (LHB) ng lungsod.

Sa Facebook post ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang alyansa ng mga urban poor organization sa Pilipinas, naglabas ito ng alegasyong nagkakaroon umano ng sabwatan sa pagitan ng NHA at Ayala Land Inc. upang mapadali ang demolisyon sa lugar.

Nauna nang inihayag ni Kadamay-San Roque chairperson Estrelita "Ka Inday" Bagasbas, hindi imbitado ang kanilang grupo sa PDC dahil sa pagtutol ng mga ito sa naturang hakbang ng NHA at PCUP.

“Ito pa talaga pamaskong handog ng gobyerno sa amin. Imbes na unahin ang pagseserbisyo, talagang mas importante pa sa kanila ang kagustuhan ng Ayala," ani Bagasbas.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Noong 2009, bumuo ng joint venture agreement ang NHA at Ayala Land Inc. upang paunlarin ang 29. 2 ektaryang North Triangle na popondohan ng P22 bilyon.

Ang Sitio San Roque ay kabilang sa mga lugar na matatagpuan sa North Triangle.