Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na siyam na inmate ng kanilang Raxabago Police Station 1 sa Tondo, ang nakatakas sa piitan nitong Miyerkules ng madaling araw at lima na sa mga ito ang nadakip.

Sa ulat ng MPD, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang makatakas ang mga bilanggo mula sa male custodial facility sa Tondo, Maynila.

Kabilang sa mga nakatakas sina Gian Carlo Rayala, Arnold Olino, Jefferson Bunso Tumbaga, MJ Tuazon, Master Cedric Zodiacal Velasco, John Joseph Laguna, Jericho Andal, Albery Calayas, at Zilmar Adriano, na nahaharap sa mga kasong robbery, illegal drugs at illegal possession of firearms.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa mga naturang pugante, naibalik na sa piitan sina Olino, Tuazon, Andal, Calayas at Adrinao habang tinutugis ang apat nilang kasamahan.

Nagawang makatakas ng mga suspek sa pamamagitan ng pagsira sa bakal na rehas sa gilid na bahagi ng jail facility.

Kaugnay nito, kaagad rin namang ipinag-utos ni MPD director Col. Arnold Thomas Ibay ang pagsibak sa puwesto sa mga pulis ng PS-1, kabilang ang station commander nito na si Lt. Col. Roberto Mupas, habang iniimbestigahan pa ang insidente.