Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng madaling araw, Nobyembre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:06 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cortes, Surigao del Sur, na may lalim na 68 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Ex-Pres. Duterte, inimbitahan na ng House Quad Comm hinggil sa pagdinig sa drug war

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.