Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Batanes nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:26 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 30 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sabtang, Batanes, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.