Nasa 20 porsyentong diskwento ang ibibigay ng Quezon City government sa mga maagang magbabayad ng real property tax (RPT)  (amilyar) hanggang sa Disyembre 2023.

Sa Facebook post ng pamahalaang lungsod, ang mga taxpayer na magbabayad ng buo sa kanilang 2024 RPT sa Disyembre ay makakakuha ng 20 percent discount.

Nasa 10 percent naman ang ibibigay kung gagawin ang full payment mula Enero 1 hanggang Marso 31, 2024.

Ang pagbabayad ng hulugan o quarterly installment ay walang diskwento, ayon sa city government.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ang naturang hakbang ay alinsunod sa ordinansa at sa local government code ng Quezon City.

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na ang malilikom na pondo mula amilyar ay gagamitin sa pagpapalawak ng mga proyekto at programang pangkalusugan, pang-edukasyon, at iba pang social services program ng lokal na pamahalaan.