Umabot sa 33 tonelada o 10 truck ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nakaraang Undas.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa datos ng MMDA Metro Parkway Clearing Group, ang bilang ng nakolektang basura ay mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 2 na mula sa paglilinis sa 27 sementeryo sa Metro Manila.

Mas marami ang nahakot ngayong taon kumpara sa 24.2 tonelada o katumbas ng 7 truck ng basura sa noong 2022.

Ang cleanup operations sa labas ng mga sementeryo ay bahagi ng Oplan Undas 2023 ng ahensiya upang matiyak ang kalinisan at kaayusan sa mga sementeryo sa buong Metro Manila.