Nanawagan si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa mga kandidato ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na huwag magpatugtog nang malakas kapag dumadaan sa harap ng city hall at ospital.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Oktubre 20, sinabi ni Biazon na nakakaistorbo umano ang malalakas na tugtog ng mga kandidato sa mga meeting sa city hall, maging sa mga pasyenteng nagpapagaling sa ospital.

“Para sa mga kandidato na nagpapa ikot ng sound system: paki abisuhan po ang mga operator nyo na hinaan ang volume kapag dumadaan sa harap ng city hall at Medical Center Muntinlupa (MCM),” pahayag ni Biazon.

“Nakaka istorbo po sa mga ongoing meetings na ginaganap sa city hall at nakaka istorbo sa mga pasyenteng nagpapagaling at nagpapahinga sa ospital,” dagdag pa niya.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Binanggit din ng alkalde na iwasan din umanong magpatugtog nang malakas sa mga lugar na malapit sa iba pang ospital at health center, lugar ng pagsamba, paaralan at day care centers.

“Sa mga residential areas din, bigyan na lang konsiderasyon ang oras ng pagpahinga ng mga residente,” ani Biazon.

Sinabi ng alkalde na ipatutupad umano nila ang naturang panuntunan pagdating ng 2025 elections.