Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Oktubre 19, na mayroon muling naiulat na Pilipinong nasawi sa gitna ng giyera sa pagitan ng Palestinian militant group na Hamas at ng Israel.

Inihayag ito ni DFA Secretary Enrique Manalo sa pamamagitan ng isang X post.

"I regret to inform the nation that we have received confirmation from the Israeli government of another Filipino casualty in Israel," pahayag ni Manalo.

“Out of respect for the wishes of the family, we shall be withholding details on the identity of the victim. But we have assured the family of the Government’s full support and assistance,” dagdag pa niya.

Internasyonal

2 Pinoy, patay sa Israel-Hamas war

Matatandaang Oktubre 11, 2023 nang kumpirmahin ni Manalo ang pagkasawi ng unang dalawang Pilipino sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.

Kinumpirma naman ng DFA ang pagkasawi ng ikatlong Pinoy noong Oktubre 13, 2023.

https://balita.net.ph/2023/10/13/ikatlong-pinoy-na-nasawi-sa-israel-hamas-war-kinumpirma-ng-dfa/

Dahil sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng dalawang panig, matatandaang itinaas na kamakailan ng DFA sa Level 4 ang alert status sa Gaza, kung saan sapilitang pinauuwi ang mga manggagawang Pinoy sa naturang lugar.

https://balita.net.ph/2023/10/15/alert-status-itinaas-na-sa-level-4-mandatory-repatriation-sa-ofws-sa-gaza-iniutos-ng-dfa/