Walang magiging city-wide na suspensyon ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City sa Lunes, Oktubre 16, 2023 kung saan ilulunsad ang nationwide transport strike.

Sa isang social media post, ipinaliwanag ng Quezon City government na ibinatay lamang nila ang desisyon sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) QC Schools Division Office at ng QC Police District.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ipinauubaya rin nila sa mga pribadong paaralan o kolehiyo ang desisyon kung kinakailangang magsuspindi ng klase.

Nangako ang pamahalaang lungsod na magpapakalat ng karagdagang libreng sakay sa mga rutang posibleng maapektuhan ng tigil-pasada.

Magtatalaga ng mga tauhan ng QCPD, Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Task Force Disiplina upang matiyak ang kaayusan sa lansangan para na rin sa kapakanan ng commuters at motorista.