SSS, nanawagan sa mga miyembro na mag-upgrade sa UMID ATM pay card
SSS, nanawagan sa mga miyembro na mag-upgrade sa UMID ATM pay card
Nanawagan ang Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito na mag-upgrade na sa Unified Multi-Purpose ID (UMID) ATM pay card.
Idinahilan ng SSS, nagsimula na silang maglabas ng UMID ATM pay card sa mga miyembro upang maisulong ang financial inclusion sa bansa at mapadali ang SSS enrollment ng disbursement account kung saan matatanggap ng mga ito ang kanilang loans at benefits.
Ang nasabing ATM pay card ay maaari ring gamitin sa pag-iimpok at pambayad sa mga in-store o online transactions.
"'Wag na mag-atubili pa, ipa-upgrade mo na 'yan," panawagan pa ng SSS sa mga miyembro ng ahensya.