Likas na sa Pilipinas ang mga mahihina hanggang sa pinakamalakas na bagyo, at ang kalimitang ipinapangalan sa mga ito ay pangalan ng tao.
Ngunit, bakit nga ba nakapangalan sa tao ang mga pangalan ng mga bagyo?
Ayon sa mga ulat, ibinahagi ng World Meteorological Organization (WMO) kamakailan na mas mabuti raw na ipangalan sa tao ang mga bagyo para mas madali itong maunawaan at matandaan ng bawat indibidwal, at nang sa gayon ay mas mapapadali rin ang kanilang disaster risk awareness at pag-iingat sa pananalasa ng mga naturang sakuna.
Kapag naman nakapasok na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang isang bagyo, papangalanan din sila ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng “Filipino-sounding names” para mas madali itong matandaan ng publiko.
BASAHIN: ALAMIN: Bakit nakapangalan sa tao ang mga bagyo?
Ayon sa PAGASA, naka-set na ang mga pangalang ipapangalan nila sa mga papasok na bagyo sa Pilipinas. May nakahanda na silang 25 na pangalan at 10 auxiliary set names sakaling lumagpas sa 25 ang papasok na bagyo.
Narito ang mga pangalan ng bagyo ngayong 2025.
1. Auring
2. Bising
3. Crising
4. Dante
5, Emong
6. Fabian
7. Gorio
8. Huaning
9. Isang
10. Jacinto
11. Kiko
12. Lannie
13. Mirasol
14. Nando
15. Opong
16. Paolo
17. Quedan
18. Ramil
19. Salome
20. Tino
21. Uwan
22. Verbena
23. Wilma
24. Yasmin
25. Zoraida
Auxiliary set
1. Alamid
2. Bruno
3. Conching
4. Dolor
5. Ernie
6. Florante
7. Gerardo
8. Hernan
9. Isko
10. Jerome