National
DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara
“Meron na po tayong sapat na bilang ng plastic cards to cover the printing of the driver’s licenses that expired mula April 1 hanggang September 30 dahil sa tulong ng ating Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ay mas pinadami ang production at mas pinabilis ang delivery para ma-address na natin ang backlog sa driver’s license,” paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II.
Aniya, nagtakda na rin sila ng petsa para sa renewal schedule ng mga lisensyang nag-expire mula Abril 1, 2023 hanggang Setyembre 30 ngayong taon. Sa memorandum ni Mendoza, inatasan nito ang mga regional director, pinuno ng district offices at iba pang opisyal na sundin ang mga schedule date ng renewal.
Ang schedule date para sa mga lisensyang expired mula Abril 1-30, ay sa Oktubre 6-31, 2023; ang petsa ng renewal para sa mga lisensyang expired mula Mayo 1-31 ay sa Nobyembre 1-30, 2023; Disyembre 1-31, 2023 naman ang scheduled date para sa mga lisensyang napaso mula Hunyo 1-31, 2023; at Enero 1-31, 2024 ang scheduled date para sa mga expired license mula Hulyo 1-31, 2023;
Ang mga expired license mula Agosto 1-31, 2023 ay may scheduled renewal date mula Pebrero 1-29, 2024, at sa Marso 1-31, 2024 naman ang renewal date para sa expired license mula Setyembre 1-30, 2023.
“Ang iniiwasan natin dito ay dahil nga may plastic card na ay biglang bugso ng tao sa ating mga opisina para mag-renew. Gusto nating magkaroon ng sistema upang mabilis at komportable sa ating mga kababayan,” banggit pa ng opisyal.