Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng scholarship program ng ahensya.

"Walang katotohanan ang kumakalat na post na may scholarship program ang DSWD para sa lahat ng antas at makatatanggap ng ₱7,000 monthly allowance ang sinumang magpaparehistro online," ayon sa social media post ng ahensya.

"Para sa kaalaman ng lahat, ang DSWD ay walang ipinatutupad na scholarship program na nagbibigay ng ₱7,000 allowance kada buwan. Hindi rin nagbibigay ang DSWD ng link para sa mga gustong magpalista sa mga programa," paglilinaw ng ahensya.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Dahil dito, nanawagan ang DSWD na isuplong sa mga awtoridad ang mga pekeng Facebook page at post.

"Kilatising mabuti at i-verify muna ang mga nababasa online. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source," dagdag pa ng DSWD.