Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD
Tumanggap na ng tig-₱15,000 ayuda ang 144 sari-sari store owner sa Capiz na nalugi sa ipinatutupad na price ceiling sa bigas, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa social media post ng DSWD, ang naturang tulong ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng ahensya.
Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ng one-time livelihood cash aid ang mga may-ari ng sari-sari store na apektado ng Executive Order 39 o implementasyon ng price ceiling sa well-milled at regular milled rice.
Nasa 358 qualified micro rice retailers sa nasabing probinsya ang tumanggap na ng financial assistance.
Ang mga tumanggap ng ayuda ay kabilang sa mga karapat-dapat na negosyanteng tinukoy ng Department of Trade and Industry (DTI) kamakailan.