Gintong medalya, mailap pa rin sa Pilipinas
Gintong medalya, mailap pa rin sa Pilipinas
Wala pa ring nasusungkit na gintong medalya ang Pilipinas sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Nasa ika-25 puwesto ang Pilipinas batay na rin sa medal tally na isinapubliko ng Philippine Olympic Committee (POC) dakong 11:00 ng umaga ng Setyembre 30.
Pitong medalya pa lamang ang nakuha ng Pilipinas--isang silver at anim na bronze mula nang simulan ang kompetisyon nitong Setyembre 23.
Kabilang sa mga nakakuha ng medalya si Arnel Mandal (Silver, Wushu Sanda), Patrick Perez (Poomsae), Alex Eala (Tennis), Jones Llabres Inso (Tajijan Wushu), Gideon Padua (Wushu Sanda), Clemente Jr Tabugara (Wushu Sanda), at Alex Eala at Francis Alcantara (Tennis Mixed Doubles) na pawang naka-bronze.
Nangunguna sa kumubra ng medalya ang People's Republic of China (PROC), tangan ang 105 gold, 65 silver at 33 bronze, ikalawa ang Japan sa nakolektang 28 gold, 35 silver at 37 bronze at ikatlo ang Republic of Korea sa napitas na 27 gold, 28 silver at 50 bronze.