Nagboluntaryo ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced  (TUPAD) program ng gobyerno, sa isinagawang declogging operations sa binahang bahagi ng EDSA Santolan (Camp Aguinaldo-northbound) sa Quezon City dulot ng matinding pag-ulan nitong Sabado.

Sa social media post ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi na nagdalawang-isip ang mga TUPAD worker na lumusong sa baha upang tumulong sa pagtanggal sa mga basurang nakabara sa mga drainage sa nasabing lugar.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ayon sa MMDA, hindi maiwasang magkaroon ng baha dahil sa nakakalat na basura sa kabila ng regular na cleaning at declogging operations sa lugar.

Kaugnay nito, nanawagan ang ahensya na maging responsable ang lahat sa pagtatapon ng basura upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.

Nitong Sabado ng umaga, na-stranded ang mga motorista sa lugar matapos bumaba dahil matinding pag-ulan na dulot ng habagat at low pressure area sa bansa.