Nagpakawala ng makahulugang X post ang aktres na si Agot Isidro hinggil sa "pagsasalegal" ng stealing o pagnanakaw sa bansa.
Aniya, "We not only normalize stealing, we even legalize it."
Hindi naman tinukoy ng aktres kung sino ang partikular o direkta niyang pinasasaringan.
Ibinahagi niya ito ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 21, 2023 kung kailan ginugunita ang 51 taong anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar o Martial Law sa bansa.
Si Agot ay ilan lamang sa celebrities na tagasuporta ni dating Vice President at Atty. Leni Robredo mula noon at masasabing hanggang ngayon kahit wala na sa puwesto ang abogado.
MAKI-BALITA: Agot Isidro: ‘Last man standing is a woman sa 2022’
Vocal din si Agot sa pagpapahayag ng kaniyang reaksiyon at saloobin sa mga mga nangyayari at usaping panlipunan at pampolitika sa bansa.
MAKI-BALITA: Mensahe ni Agot Isidro para sa bansa: ‘Sana matuto ka sa mga pasyang pinili mo’