Hinangaan ng netizens ang ginawang pangangaral ng panganay na anak ni Melai Cantiveros-Francisco na si Mela sa kaniyang kapatid na si Stela nitong Martes, Setyembre 19.

Makikita kasi sa ibinahaging video ni Melai sa kaniyang Instagram account na tila nape-pressure ang anak niyang si Stela sa school. Pero ipinaunawa ng ate nitong si Mela na dapat i-enjoy lang umano ang proseso ng pagkatuto sa paaralan anoman ang maging score sa mga quiz o exam.

Pero sa huling bahagi ng video, matapos ang madamdaming pangangaral, biglang tumayo si Mela at kumuha ng makakain.

Narito ang mga nakatutuwang reaksiyon ng netizens sa nasabing video:

Anak ni Melai, inilabas na naman ang kakulitan

"ilan beses ko n to pinanood s fb hanggang s yt hndi ako nauumay kc nkaka proud c mela ❤️....tpos pagdating s dulo nagutom?don n ihit s katatawa love u mela and stela❤️❤️❤️"

"Good Job Ate.. so behave naman Steya habang kinakausap ni Ate at Mama. Paiyak na din sana ako.. biglang natigil.. ahaha?"

"Ganyan tlaga ate, pero nakakagutom dn mgsalita noh?? Lol!!???"

"Ang kyut ni steya pag pinagalitan ng ate sarap niyo panuorin magkapatid good job ate mela?❤️"

"Di ko inexpect yung huli ?"

Matatandaang kamakailan lang ay idinaan pa ni Stela sa pagsayaw ang sayang naramdaman nang maka-perfect sa exam.