Pasok sa eskuwelahan sa NCR, kinansela na!
Kanselado na ang pasok sa paaralan sa 16 lugar sa Metro Manila dahil sa matinding pag-ulan na dala ng southwest monsoon nitong Lunes, Setyembre 4.
Sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga nagkansela ng klase ay kinabibilangan ng Caloocan City – all levels (public and private); Malabon City – all levels (public and private); Marikina City – all levels (public and private); Parañaque City – all levels (public and private); Pasay City – all levels (public and private); San Juan City – all levels (public and private); Manila City - all levels (public and private); at Muntinlupa City - all levels (public and private).
Simula 11:30 ng umaga, sinuspindi ng Valenzuela ang klase sa lahat ng antas (public and private); Las Piñas City - all levels (public and private); Mandaluyong – preschool to senior high school (public and private); Navotas City – preschool to senior high school (public and private); at Municipality of Pateros - all levels (public and private).
Kinansela rin ng Taguig City ang klase sa hapon hanggang gabi sa pampubliko at pribadong paaralan habang ang Quezon City ay nagpairal naman ng localized suspension. Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagdedeklara ng suspensyon ng klase ang Pasig City.