Binatikos ng mga netizen ang isinagawang press conference ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo, kasama ang sumukong sangkot sa road rage incident sa lungsod kamakailan.

Mismong si QCPD chief, Brig. Gen. Nicolas Torre III ang nagpatawag ng pulong balitaan kasunod ng pagsuko ng lalaking sangkot sa insidente na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Sa nasabing presscon, nagbigay ng pahayag ang nasabing may-ari ng kulay pulang kotse na sangkot sa insidente at sinabing nagkaayos na sila ng siklista na binunutan nito ng baril sa Welcome Rotonda, boundary ng Maynila at Quezon City nitong Agosto 8.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Wala ang biktimang siklista sa nasabing media conference.

Umani ng batikos ng netizens ang nasabing hakbang ng QCPD.

"Dapat 'yan kasuhan ng pulis," reaksyon ni Florante Ehgoy Jose.

"Iba talaga 'pag mayaman, may presscon pa," komento naman ni Roy Benzon.

"Kulong na dapat 'yan," sabi naman ni Roderick Ubana.