Idineklara na ring persona non grata ang drag queen na si Pura Luka Vega sa lalawigan ng Marinduque kaugnay ng kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance nito.

Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque ang resolusyong inakda ni Board Member Antonio Mangcucang na nagdedeklara ng persona non grata kay Pura, may tunay na pangalang Amadeus Fernando Pagente, noong Miyerkules, Agosto 23, sa 51st Regular Session ng lalawigan.

Ayon kay Mangcucang, maituturing umanong walang respeto sa Diyos at pang-iinsulto sa mga mananampalataya ang naturang performance ni Pura.

“The Provincial Government of Marinduque is one with the petitioners against Vega in citing that Pura Luka Vega's unabated sacrilege consisting of blasphemy and desecration acts committed and perpetrated through and with the use of information and communication technologies, having been posted by him online and shared and reposted by netizens, is therefore available to the public,” nakasaad sa resolusyon.

National

Romualdez saludo sa mga manggagawang Pilipino: 'Tunay na lakas ng ekonomiya!'

Samantala, iba pang mga lugar sa bansa ang nauna na ring nagdeklara ng persona non grata kay Pura. Kabilang na rito ang Maynila, Batangas City, Bohol, Mandaue at Cebu City sa Cebu, Lucena City sa Quezon Province, Occidental Mindoro, Dinagat Islands, Laguna, Nueva Ecija, Cagayan de Oro City, Bukidnon, General Santos City sa South Cotabato, Floridablanca sa Pampanga, at Toboso sa Negros Occidental.

MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

Matatandaang nagbigay naman ng reaksyon si Pura kamakailan hinggil sa pagdedeklara sa kaniyang persona non grata ng ilang mga lugar sa bansa.

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” ani Pura.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata

Matapos nito, muling nagtanghal ang drag queen sa awitin ni Taylor Swift na “Look What You Made Me Do” at nagbigay ng pahayag hinggil sa mga isyu laban sa kaniya.

“Para sa mga ibang lugar na gustong mag-persona non grata diyan, dagdagan n’yo pa! Pakialam ko. ‘Yon lang po. Thank you po,” saad ni Pura.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega wafakels sa persona non grata: ‘Dagdagan n’yo pa!’