Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang burol ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan "Toots" Ople sa Heritage Memorial Park, Taguig City, nitong Miyerkules.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Kasama ni Marcos ang kanyang asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos nang dumating sila sa nasabing lugar dakong 7:29 ng gabi.

Nakiramay din si Marcos sa pamilya ni Ople.

Binawian ng buhay si Ople nitong Martes, Agosto 22.

Namataan din burol ni Ople sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Department of Tourism Secretary Christina Frasco, at Senator Cynthia Villar. 

Matatandaang sumailalim sa operasyon si Ople noong Pebrero 2020 dahil sa breast cancer.

Hindi pa rin isinapubliko ng pamilya ni Ople ang sanhi ng pagkamatay nito.

Noong Hunyo 2022 ay itinalaga ni Marcos si Ople bilang kalihim ng DMW.

Nauna nang hiniling ng pamilya ni Ople na sa halip na magbigay ng bulaklak ay magbigay na lamang ng donasyon sa Blas Ople Policy Center upang maisulong pa rin ang karapatan ng mga overseas Filipino worker.