Inayos at pinalawak pa ng pamahalaan ang lay-bys sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) upang magamit ng mga nagmomotorsiklo at hindi na sisilong sa mga flyover at footbridge sa gitna ng malakas na pag-ulan.

Sa social media post ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo, Agosto 20, ang mga nasabing lugar ay matatagpuan sa mga ilalim ng flyover sa Ortigas, Santolan, Kamuning, Kamias at Quezon Avenue.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bukod dito, inaayos na rin ang isa pang lay-by sa bahagi ng Circumferential Road o C-5 Road, anang MMDA.

Maglalagay din ang MMDA ng libreng repair service para sa mga motorsiklo at bisikleta sa mga natukoy na lugar.

Panawagan ng ahensya sa mga rider, gamitin ang mga lay-by para na rin sa kanilang kaligtasan, lalo na kung umuulan.

Matatandaang nagbanta ang MMDA na pagmumultahin ang mga nagmomotorsiklong mahuhuling sumisilong sa mga footbridge at flyover sa gitna ng matinding pag-ulan upang hindi na pamarisan.