Malaki ang tiyansang magkakaroon ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado, Agosto 19, dahil sa patuloy na umiiral na southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, posibleng makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Palawan dulot ng habagat.

Maaari umanong magkaroon ng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, posibleng magkaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang panandalian o biglaang pag-ulan, pagkidlat at pagkulot sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng habagat o localized thunderstorms.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinag-iingat din ang mga residente rito sa posible umanong pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.