Napanatili ng bagyong Falcon ang lakas nito habang kumikilos pa-west northwestward papalapit sa karagatan ng timog-silangan ng Okinawa Islands sa Japan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Agosto 1.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, inaasahan umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo ngayong Martes ng hapon o gabi.

Huling namataan ang Typhoon Falcon 875 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna nito at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwestward sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Patuloy pa ring malayo sa kalupaan ng bansa ang bagyo kaya’t wala pa ring nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa ngayon, ayon sa PAGASA.

Gayunpaman, pinalalakas pa rin umano ng bagyong Falcon ang southwest monsoon o habagat na siyang posibleng magpaulan sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Makararanas din naman umano ng pabugso-bugsong malalakas na hangin ngayong araw Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, central at southern portions ng Aurora, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, malaking bahagi ng bansa Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas dahil sa habagat.