Inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes, Hulyo 31, na 169 mga paaralan sa bansa ang nasira dahil sa pananalanta ng bagyong Egay at ng southwest monsoon o habagat.

Ayon sa DepEd, tinatayang ₱810 milyon umano ang kabuuang halaga na kakailanganin para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga nasirang paaralan.

Matatagpuan umano ang naturang mga nasirang eskuwelahan sa Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Rehiyon I, Rehiyon II, Rehiyon III, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon (CALABARZON), Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA), Rehiyon V, at Rehiyon VIII.

Samantala, sinabi rin ng DepEd na 68 paaralan ang ginamit bilang evacuation centers mula Hulyo 25.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Matatagpuan naman umano ang mga eskuwelahang ginamit bilang evacuation centers sa CAR, Rehiyon II, Rehiyon III, at Rehiyon VI.

Merlina Hernando-Malipot