Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Narekober na nitong Linggo ang aluminum boat na sinakyan ng apat na nawawalang rescuer ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kasagsagan ng bagyong Egay kamakailan.

Ang nasabing bangka (AB-056) ay namataan ng kapitan ng MV Eagle Ferry-Calayan na si Fermin Castillo habang naglalayag sa karagatan ng Cagayan patungong Calayan Island nitong Hulyo 30.

Palutang-lutang aniya ang bangka sa karagatang sakop ng Fuga Island, malapit na sa Calayan Island

Kinumpirma naman ni Philippine Coast Guard (PCG)-Cagayan station commander, CG Lt. SG Miguel Angelo Gangan, na ang aluminum boat na may markang AB-056 na natagpuan sa Calayan Island ay ginamit ng apat na nawawalang rescuer sa gitna ng paghagupit ng bagyo sa Aparri, Cagayan.

Dahil dito, lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang paghahanap sa apat na rescuer sa karagatang bahagi ng Fuga Island, Dalupiri at sa mga karatig isla.

Matatandaang nirerespondehan lamang ng apat na nawawalang rescuer ang sumadsad na M/Tug Iroquis sa bukana ng Cagayan River kung saan sasagipin sana ang pitong tripulante nito.

Gayunman, biglang tumaob ang sinasakyang bangka dahil sa lakas ng hangin at malalaking alon.