Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado ng gabi, Hulyo 29, na mas lumakas pa ang bagyong Falcon habang kumikilos ito sa Philippine Sea.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng gabi, huling namataan ang Tropical Storm Falcon 1,210 kilometro ang layo sa silangan ng Central Luzon o 1,235 kilometro sa silangan ng Northern Luzon, na may taglay ng lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-north northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

“The hoisting of Wind Signal due to FALCON over any locality in the country remains unlikely based on the current forecast scenario,” anang PAGASA.

Eleksyon

Pasig Bet Atty. Christian Sia, dinisqualify ng Comelec

Gayunpaman, magdudulot umano ang pinalakas na southwest monsoon ng gusty conditions sa Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Palawan, Romblon, Northern Samar, at malaking bahagi ng CALABARZON, Bicol Region at Western Visayas hanggang bukas, Linggo, Hulyo 30.

Inaasahan umanong lalakas pa ang bagyo sa susunod na tatlong araw at aabot sa “typhoon” category bukas ng gabi o sa Lunes ng umaga, Hulyo 31.

Maaari umanong lumabas ng PAR ang nasabing bagyo pagsapit ng Lunes ng tanghali o gabi.