Sinimulan na ng pamahalaan ang pamamahagi ng relief goods sa ilang lugar sa 

Cagayan na hinagupit ng bagyong Egay.

Sa Facebook post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules, ipinaliwanag nito na tumugon lamang sila sa kahilingan ng mga local government unit (LGU) na masuplayan sila ng family food packs (FFPs) matapos mag-landfall sa kani-kanilang lugar ang bagyo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kabilang sa mga nakinabang sa unang bugso ng pamamahagi ng tulong ng DSWD Cagayan Valley regional office ang mga residente ng Alcala, Gonzaga, Sta. Teresita, Aparri at Sanchez Mira.

Namahagi na rin ng FFPs sa mga residente ng Itbayat, Batanes nitong Hulyo 26, ayon sa ahensya.

Nitong Miyerkules ng madaling, hinagupit ng Signal No. 4 ang Dalupiri Island sa Calayan, at sa Fuga Island sa Aparri, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).