150 motorista na dumaan sa EDSA busway sa Pasay, nahuli
Umabot sa 150 na motorista ang nahuli ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa ikinasang operasyon sa EDSA Busway sa bahagi ng Tramo Station sa Pasay City nitong Huwebes.
Ang mga lumabag sa EDSA busway rule ay pinagmumulta ng ₱1,000.
Panawagan ng I-ACT, ang EDSA Busway ay para lamang sa mga bus, bumbero, ambulansya at iba pang marked emergency vehicles ng pamahalaan.
Ang I-ACT ay binubuo ng mga tauhan ng naman ng Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP)-Highway Patrol Group, Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kabilang lamang sa trabaho ng I-ACT na hulihin ang mga lumalabag sa batas-trapiko at ayusin ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at sa karatig lugar.