PCSO, nagbigay ng ₱34M tulong sa 5,330 pasyente
PCSO, nagbigay ng ₱34M tulong sa 5,330 pasyente
Ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nakapagbigay-tulong sila sa 5,330 pasyente sa pamamagitan ng kanilang Medical Access Program mula Hulyo 10 hanggang 14.
"Sa pagtangkilik ninyo sa mga palaro ng PCSO, maraming mga Pilipinong nangangailangan ang makikinabang sa mga programa ng PCSO," saad ng ahensya nitong Hulyo 18 sa kanilang opisyal na Facebook page.
Sa tala ng PCSO, umabot sa ₱8,254,712 ang halaga ng tulong na kanilang napamahagi sa National Capital Region. Sumunod naman Northern at Central Luzon na ₱7,808,158.99; Southern Tagalog at Bicol Region, ₱6,566,592.55; Visayas, ₱5,922,314.69; at Mindanao, ₱5,846,238.05.
Sa kabuuang bilang umabot sa ₱34,398,016.28 halaga ng tulong ang kanilang naipamahagi.